Done
I don’t know why I am so ungrateful of having a job and a big salary. Sa hirap humanap ng trabaho ngayon, tinatamad pa din ako pumasok sa opisina. Malamang dahil sawa na ako sa pagsagot at pagkausap ng mga foreigners sa telepono. Sa tuwing sasagi sa isip ko kung gaano kalaki ang tulong ng sahod ko sa pamilya ko, parang yun na lang ang nagbibigay sa akin ng lakas para ganahan pumasok. Hindi naman ako maluhong tao kaya malaki ang sobra ng sahod ko sa isang kinsenas.
Hirap na talaga ako sa pagpasok ng gabi. Siguro magiging sign lang na kailangan ko na tumigil pag tinawagan ako ng isa sa mga kompanya na pinasahan ko ng resume ko. Balak ko na din kasi na humanap ng trabaho na mainam sa kurso na tinapos ko. Meron pa ring relasyon ang trabaho ko ngayon sa kurso ko dahil support ako ng isang accounting software. Yun nga lang, kailangan kong pumasok ng gabi para magtrabaho. Nakakapagod talaga kasi. Dalawang taon ko nang ginagawa ito.
Habang naghihintay ako ng tawag, heto susulat ko muna yung mga hinaing ko. Ito ata ang tinatawag na burnout. Pwede bang mag-asawa na lang ng mayaman? Hehehe. Haay, hindi kasi ako pinanganak na dugong bughaw na hindi na kailangang magtrabaho, pero hindi naman ibig sabihing malas ako sa ngayon, dahil hindi naman ako naghihirap na walang makain. Salamat pa rin sa mga magulang kong nagsikap para maging ganito na ako ngayon.
Baka tamad lang talaga ako, o sadyang walang contentment sa buhay. Bukas ano kaya ang naghihintay? Parang gusto ko na talagang tumigil sa trabahong ito. Huhuhu…

Comments
uu, tiis tiis lang...
feeling ko naman may kanya-kanyang downside ang bawat trabaho...