"Kahit anong bagal ng paglakad mo, kung hindi ka naman niya gustong habulin, hindi ka niya maaabutan. Kahit mag-stop over ka pa." Shet! Emo na naman! Hahaha! Ayoko na sana magpakalungkot, pucha, tagal nang emo ang buhay ko. 2009 should be my year, and its up to me, to make it my year. Puwes, meron lang ako points to stress. 1. Kung mahal mo, hindi ka gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin niya, nang PAULIT-ULIT. 2. Pag mahal mo ang isang tao, iniisip mo lang ang ikakabuti niya . Hindi mo naman dapat ikontrol ang buhay niya, kailangan lang sabuyan ng sangkaterbang pagpapaalala. 3. Pag mahal ka niya, ituturing ka niyang SPECIAL , hindi gaya ng pagtrato niya sa mga kaibigan niya. Bakit? -- ang kaibigan, laging dumarating yan. Pwede mong palit-palitan. -- ang kaibigan, sasamahan ka niyan, sa inom, yosi, gimik. Pustahan pa tayo, sa sampung kaibigan mo, pag namatay ka, hindi lahat yan makakadalo. -- ang kaibigan, pag umuulan, at malamig, hindi mo mayayakap basta bast...