Mahal Mo

"Kahit anong bagal ng paglakad mo, kung hindi ka naman niya gustong habulin, hindi ka niya maaabutan. Kahit mag-stop over ka pa."

Shet! Emo na naman! Hahaha! Ayoko na sana magpakalungkot, pucha, tagal nang emo ang buhay ko. 2009 should be my year, and its up to me, to make it my year.

Puwes, meron lang ako points to stress.

1. Kung mahal mo, hindi ka gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin niya, nang PAULIT-ULIT.

2. Pag mahal mo ang isang tao, iniisip mo lang ang ikakabuti niya. Hindi mo naman dapat ikontrol ang buhay niya, kailangan lang sabuyan ng sangkaterbang pagpapaalala.

3. Pag mahal ka niya, ituturing ka niyang SPECIAL, hindi gaya ng pagtrato niya sa mga kaibigan niya.

Bakit?
 -- ang kaibigan, laging dumarating yan. Pwede mong palit-palitan.
 -- ang kaibigan, sasamahan ka niyan, sa inom, yosi, gimik. Pustahan pa tayo, sa sampung kaibigan mo, pag namatay ka, hindi lahat yan makakadalo.
 -- ang kaibigan, pag umuulan, at malamig, hindi mo mayayakap basta basta.
 -- wala na akong maisip.

Basta, ang point ko lang, merong boundaries, mababaw, at hindi lahat pangmatagalan. Kung ang isang tao, mahal ka, kahit na anong GAGO mo, tanggap ka.

Tatanggapin ka nang paulit-ulit. Mamahalin ka ng buong-buo at iisipin ang kapakanan mo sa lahat ng oras.

4. Pag mataas ang BP mo, sino nagsasabing uminom ka na ng gamot?

5. Pag nagyoyosi ka, sinong nagsasabing itigil mo para sa kalusugan mo?

6. Sinong nagsasabing huwag ka nang uminom o maglasing?

7. Sinong nagsasabing think positive. Kaya mo yan. Tyaga tyaga lang.

8. Wala na akong ibang maisip.

Ang akin lang, lahat lahat para sa'yo. Para sa'yo. Para sa'yo.

Suko na ako... Taas Kamay na ako... -- Robin Padilla :D

Comments

Popular posts from this blog

“Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sayo” ni Juan Miguel Severo

"Kapag Sinabi Kong Mahal Kita" by Juan Miguel Severo

Love Struck Me Down