Emo Post

Naaalala ko pa yung text mo na: Na-detach na yung feelings natin sa isa't isa. Mabuti pang huwag na lang tayo muna mag-usap. Magsawa ako sa mga manliligaw ko.

Hindi ko makuha kung bakit ayaw mo ng commitment. Sagabal nga ba yun dahil bago ka sa work mo, or natatakot ka lang na mawala ako sa buhay mo, kung hindi man bilang girlfriend, kung hindi kahit bilang kaibigan lang.

Hindi ko makuha bakit hindi pwede maging tayo. Single ka naman at single din ako (noon).

Tinanggap ko na sa sarili ko na, isa na lang kathang-isip yung salitang magiging tayo pa sa huli. Inalis ko na sa isip ko yun. Anuman ang maging bunga ng mga desisyon ko, handa at tanggap ko na na hindi na ako babalik pa sa dati.

Sawang- sawa na ako na umasa.

Tanga pa rin ako na nag-iisip na kahit paano eh, dapat mag-usap o magkita pa tayo. Hanggang dito na lang talaga siguro. Sadyang may mga bagay na hindi na kayang ibalik, kahit na ipilit.

Hiling ko lang na maging maligaya ka, at gusto kong malaman mo na hindi pa rin kita nakakalimutan sa mga dasal ko.

*Kung anuman ang lagay ng puso ko ngayon, kuntento at masaya na ako...*

Comments

Popular posts from this blog

“Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sayo” ni Juan Miguel Severo

"Kapag Sinabi Kong Mahal Kita" by Juan Miguel Severo

Love Struck Me Down