Pangako ‘yan, at totoo. Hindi ko alam kung magiging ga’no kahaba kung kasya ba sa isang pyesa, ilang pahina, ilang minuto ang itatagal at ihahaba nito kaya posibleng hindi ko agad makabisado. Pero pangako ‘yan… Ito na, ang huling tula na isusulat ko para sa ‘yo. Itaga mo ‘to sa bato abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang ito. uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o ng anumang tawag ko sa’yo, (mahal, sinta, irog, pangga, babe, beh, bae, asawa ko, mine? wifey, bae, kulet, kapal, k*pal, walangya, p*ki, p*king *na ka) ano pa ba? Wala akong pakialam kung abutin ako ng ilang talata dito, pero hindi ko na pwedeng patirahin lang, dito sa loob ko, ang mga salitang ito. Kaya pangako… Ito na, ang huling tula na isusulat ko para sa ‘yo. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung saan ako nakatira hindi mo nga pinansin, ang m...
Comments
@btenshi -- waah! salamat!
@dyanpot -- uu, i love this red nailpolish! nakakainlove! :D