nakakaiyak na tsinelas :(
Hindi ko akalain na pati tsinelas, mapapaiyak ako... Umalis ako kanina, sinamahan ko si mama sa Puregold, tapos, dumaan ng SM Taytay. Pagkauwi ko, pumasok ako ng bahay, at bigla na lang napasigaw si Dre, at ang sinabi "Juvy, ang tsinelas mo!!!" Grabe talaga ang kaba na naramdaman ko. Paglabas ko na bahay, nakita ko ang paborito kong tsinelas, putol na! :( Kinagat siya ni Kali, ang askal-dalmatian dog namin. haay! naku, si KALI TALAGA!!! super kulit mo!!!!! Ito kasi ang una kong mamahaling tsinelas e, at abot sa isang taon ko na syang gamit, at hindi pa rin mukhang luma! haaay! Putol na siya!!! Hindi na sila magkakasama ulit! May isa pa ako, pero hindi ko siya favorite eh. Haay, kakasabi ko kay JR na bibili na ako ng bago, ayan, nagkatotoo, kailangan ko na ulit bumili ng bagong black na tsinelas. Islander o Planet na lang kaya? pero promise, naiyak talaga ako...