ANGER MIS-MANAGEMENT

Para sa kaibigan at irog ko noon:

Ano, ndi moko makausap?Bakit nangangagat ba ako?Hehehe! Buti nlng "medyo" malamig na ang ulo ko sa'yo, salamat sa mga taong "totoong" may "care" sa akin. Anyway, hayaan mo, magtitiis na lang ako at pipilitin kong kalimutan ang mga pangit na nangyare, BITTER pa din ako kasi hindi mo ako maipagtanggol kahit konti man lang sa mga "fairly new" mong kaibigan. Akala ko pa naman malinaw yung usapan natin nung June 17,2008, na hindi kita inaagaw, at mga ilang beses na pagsasabing huwag na muna tayong mag-usap para hindi ako magmukhang AHAS! Sana man lang, ipinagtanggol mo ako na hindi ako mang-aagaw! Wala naman akong naging boyfriend na inagaw ko diba? Malas naman kasi at LSS ko yung kanta ni Yeng na "Di Na Ganun". Potang kanta yan, na-LABELan tuloy akong EPAL, KABUTE, ndi ko na tanda yung iba. Ayun...

P.S.
Pwede pa din kita maging kaibigan, alam mo naman malambot ang puso ko sa mga taong mahal, minahal, at minamahal ko. :)

Para sa irog mo ngayon:

Sorry ha? Mainit na talaga ang dugo ko sa'yo, at habambuhay na yon. Hindi kasi ako magpapakaplastik at makikipagkaibigan sa'yo. Namimili kasi ako ng mga kaibigan, at malas na lang, at pinakitaan mo ako ng ugaling pangit sa'yo. Kahit na may mabubuti ka pang ugali, hindi na ako interesado pang malaman yun. Tutal, sapat na ang mga kaibigan kong tunay ngayon. FYI lang pala, ang barkada namin mahigit SAMPUng taon na, at hindi ako magdadalawang isip na tanggihan kang maging kaibigan ko, dahil sa SAMPUng taong pagbabarkadahan namin, wala sa kanilang nantrato sakin ng gaya ng ginawa mo. Sorry din kung nagselos ka, at minasama mo ang pagiging close ko sa dati kong boyfren, kahit naman pagkakaibigan lang ang meron sa amin ngayon, ANIM na TAON lang naman ang tinagal ng relasyon namin bilang magkasintahan. Sana matumbasan mo yun, at sana magtagumpay ka na kalimutan nya na ako. Hindi naman ako umaasa pa na magiging kami pa, lalo na nang dahil sa sitwasyong nangyare sa ngayon. Hindi mo ako ginago nung kami pa nuon, pero ginago mo ang natitirang koneksyon namin bilang magkaibigan. Pero OK lang, KAYANG-KAYA ko siyang patawarin dahil malakas siya sa akin, at alam kong kahit hindi na ako ang tinuturing nyang kasintahan, iba pa din ang pinagsamahan namin, at alam kong mahalaga pa din ako sa kanya.

Ayun, pasensya na at nag-blog pa ako tungkol dito, kasi sayang naman eh, ilang taon mula ngayon, gusto kong mabasa yung mga ganitong pangyayare sa buhay ko, at malamang pagtawanan ko na lang ang nangyare.

Madami akong natutunan, at ang pinakamahalaga dun eh, iboblog ko na lang. Kaso for "CONTACTS" only na lang eh. Kasi ayokong mabasa nyo yun.

Sige... Salamat sa pagbabasa! :)

Comments

TINTIN latoja said…
haha! sapul bes! :D
Dubi Wolf said…
of course!!! dapat malaman nya at kung isa syang stalker sa account ko eh, mababasa nya talaga ito! hehehe!
Randy Paderes said…
hahaha nice one juvy! hahaha galing galing!
Randy Paderes said…
hahaha nice one juvy! hahaha galing galing!
german moncal said…
huwattt.. need to know the story.. hmmm... exciting^_^
Dubi Wolf said…
hayy naku, Philip, it is a very long story I want to forget! Hehehe! I want to forget the girl, but not him. Hahaha!
Shine Perciano said…
uy, prang i can relate...kya lng ung skin still on-going....haha! prang construction lng! i still don't have the guts to leave him,so till now.. forgive lng forgive kht super ngsusuffer n lhat s pligid q.. hehe! =)) go girl,it's nice to read this blog of yours,i enjoyed it. =)
naks naman... lupeeeeeet! hahaha
Dubi Wolf said…
haay naku, we cant help it gurl, maganda kasi tayo... eh sila??? ehhh... :X
Trina Labandera said…
ngayon ko lang nabasa to juvy. ooh. okay.
Dubi Wolf said…
nagbabalak sumikat... feelingerang labandera! oops, quiet nako! para sa last request ng mahal ko... weee! *toink*

Popular posts from this blog

“Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sayo” ni Juan Miguel Severo

"Kapag Sinabi Kong Mahal Kita" by Juan Miguel Severo

Love Struck Me Down