Drama...

    Natapos ang isang mahaba at makulay na relasyon isang araw dalawang buwan na ang nakalilipas... Sa pag-aakalang mas nkakabuti yun, pinilit magliwaliw, humanap ng mapaglilibangan, kumilala ng iba... Masaya, nakakapanibago, pero may kakaibang saya ang naramdaman... Oo, palagay ko masaya nga, pero dahil nasanay ka na sa dating buhay, dating tao, hindi maiwasang bumalik, mapag-isip, magdamdam, manghinayang... Pinilit isiping makakabuting magkalayo muna, yun ang nakakabuti, yun ang napagkasunduan, pero lingid sa kaalaman ko, madami na pa lang tao ang nadadamay, nakasali, nasasaktan...

    Kaya ngayon, dahil sa mga pabigla-biglang desisyon, sa pagpipilit ng hindi pa napapanahon, sa katangahan ko, hindi ko naisip na, isa-isa pa lang mawawala, kung hindi dahil sa kagustuhan kong maging masaya, nagiging madamot na pala ako... Inaagaw ko yung pagkakataon ng ibang tao na maging masaya... Kaya ngayon, pinipili ko na lang munang maging mag-isa, wala naman akong choice, isa-isa na silang nawala, nagdesisyong mabuti munang mag-isip ako, magdusa, hindi naman siguro, kailangan ko muna ng panahon na malaman kung ano ba talaga ang gusto ko...

    Wala na akong babalikan, at wala na din yung pag-asa kong makabangon... Nag-iisa na lang ako ngayon...

Comments

tian ojeda said…
dito lang kami juvy.
TINTIN latoja said…
bes.. di ka ng-iisa.. :)
TINTIN latoja said…
nandito lang kami.. love yah bes :)

Popular posts from this blog

“Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sayo” ni Juan Miguel Severo

"Kapag Sinabi Kong Mahal Kita" by Juan Miguel Severo

Love Struck Me Down