"Kapag Sinabi Kong Mahal Kita" by Juan Miguel Severo
        Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin salamat at nandyan ka   Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin hinahanap hanap parin kita   Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin napapagod din ako, nanginginig ang aking mga kalamnan, nanlalambot ang aking mga tuhod, nangangawit ang aking mga braso Dahil kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin pagpapaguran ko ito      Hihintayin kita, susundan, susuyuin    Dahil ang aking “mahal kita” hindi nagtatapos sa mahal lang kita   Ang aking “mahal kita” ay mayroong pagtanggap na ito, ito ang hirap na kalakip ng pag ibig, yakapin mo   Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin malupit ang mundo at mamahalin ko ang lahat ng kakampi mo      Kaya’t hayaan mong dumating ang mga bagyo    Hayaan mong malusaw ako sa araw    Hayaan mong kumbinsihin kita, na kakampi rin ako      Ikaw, na hantungang inaasam   Ikaw, na kwentong hindi pagsasawaan   Ikaw ang sandali, na parating inaalala...