Nakakapagtaka kung bakit ang galing ko mag-advice sa mga friends ko na sawi sa pag-ibig... Madalas nagagalit pako kung bakit nag-stay sila sa isang relasyon na agrabyado sila, without thinking na darating pala yung point sa buhay ko na mararanasan ko yun. Alam ko na ngayon yung nararamdaman ng isang pusong tanga. Masarap naman talaga magmahal eh, ako pa! eh basta pag sinabing mong love, eh all out ako dyan. Bakit ka magbibigay ng konti, kung kaya mo naman ibigay ang lahat, at dun ka sasaya. Hindi ko man lang naisip na, hindi lang pala puro saya pag nagmahal ka, na walang perpektong tao na kahit ibigay mo na lahat ng pagmamahal na nasa iyo, masasaktan ka pa din sa bandang huli. Darating yung point na hindi kayo magkakaintindihan, magsasawa kayo sa pareparehong bagay na madalas na pagtalunan. Darating yung point na akala mo masaya ka pa, pero yun pala, nandun na siya sa piling ng IBA. Kahit na gaano itago ang mga kasinungaolingan, lalabas at lalaba...